Panibagong Araw
Matagal na nang huli akong tumipa ng keyboard para mag-sulat ng
mga random na kung ano anong dumadaan sa isipan ko. At ang dahilan muli ng
pagsusulat na ito ay para sa panibagong araw na naman na susungaw bukas.
Marami nang araw ang dumaan mula noong ginawa ko ang blog na ito, iyon din ang
unang beses na naglathala ako ng mga tula ko para sa pinakamamahal ko. At
ngayon muli akong susulat ng nais kong iparating kay E.
Mahal, mahal na mahal kita. Iyan ang una at huling salita na maririnig mo araw-araw mula sa labi ko. Hindi kailanman ako magsasawa na sabihin ang mga katagang
iyan sa iyo.
Pagdaanan man tayo ng pag-ulan o pag-araw, may mga araw man na dadaan ang
pangiti o paghikbi, mananatili ang pag-ibig ko para sa'yo.
Alam ko mahal, na sa paglipas ng panahon, yayakapin pa tayo ng maraming
pagbabago. At gaya ng palagi kong sinasabi sa'yo paglipasan man ako ng panahon,
mananatili ako bilang babae na nagmamahal ng labis sa'yo.
Mahal ko, 'wag ka sanang magsasawa sa paghawak ng kamay ko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento