Alam mo ba mahal ko? Ang tagal-tagal ko nang gustong gawin ito. Hindi ko nga lamang malinginan dahil palaging puno ang isip ko ng mga bagay-bagay. Ngunit masaya ako na muli akong nagsusulat dito. Pagtyatagaan mo bang basahin ito? :D
Mahal ko, hindi mo alam kung gaano ang sayang nadama ko noong dinala mo ako sa lugar kung saan ko maaaring masilayan ang magandang paglubog ng araw. Napakatagal na noong huli, hindi na mahalugkat ng isip ko kung kailan. Alam mo ba? mula nang dumating ka sa buhay ko, at sa tuwinang matatanaw ko ang pagsabog ng araw sa umaga, at paglubog nito sa gabi, ikaw na mahal ang naaalala ko. Kung matatandaan mo, maraming pagkakataon na ikaw ang kasama ko sa tuwinang nabibigyan ako ng pagkakataon na masilayan ang naturalesang senaryo na ito. At mula roon, sa kasalukuyan, sa hinaharap... Asahan mo ikaw at ikaw ang maaalala ko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento