Isang Linggong Pagtula Ng Puso Ko

Mahal ko, mahal ko, mahal ko, Natutuwa ako na paunti-unti nang bumabalik ang katakawan mo. Mahal ko, mahal ko, mahal ko, Masaya akong paunti-unti ko nang nasisilayan ang magagandang ngiti mo. Mahal ko, mahal ko, mahal ko, Napakaling bagay sa akin na malaman na unti-unti nang bumabalik ang pagkamasayahin mo. Mahal ko, mahal ko, mahal ko, Alam kong hindi agad agad iyon na mawawala. Mahal ko, mahal ko, mahal ko, Naniniwala akong malalagpasan mo din ito. Mahal ko, mahal ko, mahal ko, Nagtitiwala ako sayo. Mahal ko, mahal ko, mahal ko, Nandito lang ako kahit topakin ako! Mahal ko, mahal ko, mahal ko, Hindi ako magsasawang gumawa ng tula para sayo. Mahal ko, mahal ko, mahal ko, Huwag mo sanang kalilimutan na mahal na mahal kita. Mahal ko, mahal ko, mahal ko, Tumingin ka sa langit paggising mo. Pagmasdan mo ang araw na ngumingiti sayo. At kung sakaling makulimlim, baka napuyat kaya hindi maagang nagising. Mahal ko, ma...